Saturday, July 17, 2010





















Two times, I have died.
That which passes, I can't feel.
I do not exist.

Monday, July 12, 2010

SA BINGIT


















Isang hakbang na lamang
Ang pagitan natin, ngunit may
Kung anong humahadlang sa akin
Na ika'y tuluyang yakapin.

Tuesday, July 6, 2010

UNANG ULAN NG MAYO















Handa na akong lumipad sa ulap
Upang humalo sa ulan at maranasan
Ang nananabik mong pagtanggap
Sa patak-patak kong mga yakap.

Friday, July 2, 2010





















let it go this too shall pass when the morning comes

this too shall pass when the morning comes let it go

let this go when it comes the morning too shall pass

when the morning comes it shall pass too this let go

Sunday, June 27, 2010

LOVE SONG
















Huwag kang mag-alala,

     May nagmamahal sa 'yo,

             Nandito ako.

Saturday, June 19, 2010


SA TOTOO LANG















Hindi mo sinabi sa akin ang totoo
Na hindi ka marunong magbisikleta

Sinubok ko pang pigilin ang iyong pagsemplang
Ngunit pati ako'y napahandusay sa damuhan

Sa totoo lang, ginusto kong manatili tayo doon
Pagmasdan natin ang langit tayong dalawa lamang

Ngunit mahalagang magamot nila agad ang iyong sugat
Tuloy hindi ko naihayag sa iyo ang totoo
Naiwan akong nakalupasay doon at duguan

Ang puso na matagal nang nagsusumamo
Ikaw ang lunas na aking kailangan.
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari