Thursday, 23 April 2009

Dahil Isa Akong Tiyanak

1.
Nasa sinapupunan pa lang ako ni Mama e, magulo na raw sa Pilipinas. Panahon daw ‘yon ng patayan at dilim. Madilim kasi patay lahat ng ilaw, brownout dito, brownout doon, palagi na lang daw may brownout, dagdagan pa ng mga protesta, karahasan at rebelyon. Dalawang buwan bago ako ipinanganak, sa Pasay pa kami nakatira, lumindol nang malakas sa Luzon. Marami raw ang namatay lalong lalo na sa Baguio. Malakas daw talaga ‘yong lindol sabi ni Papa, kaya dinaan niya na lang daw sa biro si Mama para ‘wag matakot, sabay hawak sa tiyan niya at alog dito at biglang sabi ng “nalilindol ka baby?” 5x. Hindi ko na talaga maalala kung naramdaman ko rin ba ‘yong malakas na lindol noon, o kung si Papa lang ba ‘yon habang inaalog niya ‘yong tiyan ni Mama, pero natitiyak kong may brownout talaga noon sa sinapupunan ni Mama.

2.
Setyembre 9, 1990 - Una kong nasilayan ang mundo. Hindi ko na maalala kung maliwanag ba noon o hindi, basta malaki raw ang pasasalamat nila Mama at Papa dahil wala raw brownout sa ospital. Kasalukuyang bumabawi naman ang Pilipinas noon mula sa lindol na naganap noong nakalipas na dalawang buwan. Kung marunong na akong magbasa ng diyaryo sa mga panahong iyon, ito ang headline na mababasa ko: Bush and Gorbachev Open Talks today; Iraqi Invasion tops Agenda. Hindi lang pala sa Pilipinas magulo noon dahil sa Gulf War. Si Cory naman, tiniyak na ligtas ang mga Pinoy sa Jordan, Kuwait, at Iraq, at sinabing maayos din ang lahat kagaya ng kanyang pangakong maayos din lahat ng mga problema sa brownout at mga rebelyon.

3.
Setyembre 10, 1990 – Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan ko, o kung ano ‘yong mga tunog na nariring ko sa paligid ko, o kung sino sa mga mukhang nakikita ko si Papa at si Mama. Hindi ko pa rin alam na ni-raid ang AFP Armory ng mga rebelde ni Honasan nang mismong araw na ‘yon at nakikigulo sa bansa ang Communist Party of the Philippines, at medyo marami na palang sakit sa ulo itong si Cory noon, na sana natapos na lang at hindi na nadagdagan pa ng iba pang mga rebelde, ‘yan tuloy sumakit din ang mga ulo ng mga sumunod sa kanyang presidente. At nasa kolehiyo na ako ngayon nang malaman kong kahit noong panahon niya, laganap na pala ang katiwalian at pandaraya, ang polusyon, at kahirapan, kaya ngayon napapaisip na lang ako kung tama bang kasalanan lamang ni Gloria ang lahat-lahat, kaya ngayon napapaisip ako kung sino ba ang dapat kong iboto sa 2010.

4.
Disyembre 20, 1990 – Bininyagan ako sa simbahan. Hindi ko pa noon alam na ‘pag binigyan mo ng pangalan ang isang bagay o tao o santo, binibigyang kahulugan mo rin siya. Sinabi ng pari: Emmanuel John –galing sa Bibliya ‘yong Emmanuel at John. Hindi ko nga alam kung ano ba ang talagang pumasok sa utak ng mga magulang ko at ito ang naging pangalan ko. Ayaw ko na rin silang tanungin, kaya gagawa na lang ako ng dahilan mula sa sariling pananaw ko. At ito ang naisip ko: Dahil nga ang taong 1990 ay panahon ng kadiliman at karahasan, malamang na maghahanap ang tao ng pag-asa at liwanag, oo, medyo baduy pakinggan pero ganyan naman talaga ang tao hindi ba, na sa panahon ng kagipitan saka lang makaaalala sa Diyos at saka lang mananampalataya. Sa tingin ko, ayaw ng mga magulang kong isiping malas ako at isa akong tiyanak, at magdadala ako ng sakuna sa aming pamilya dahil nga samu’t samot na kaguluhan ang sumulpot nang ipagbuntis ako ni Mama. Kaya naman walang magawa noon sila Mama at Papa kundi maniwala na lang na magiging mapayapa ang lahat kapag pinangalanan ako ng isang pangalang galing sa Bibliya, na walang darating na anumang trahedya, na magiging maayos ang buhay namin, na ngayon ay kailangang paniwalaan ko na lang din.

Friday, 17 April 2009

Renga. April 17, 2009

Sapagkat ang lahat ng bagay ay likha sa apoy
na inakala ko noong napupuksa
ng hangin ngunit hindi
nauupos ang apoy sapagkat
ang lahat ay nilikha para rito. Marahil
malilimutan ko ang bawat pagkakataong
ibubulong ng hangin sa akin ang mga linya
ng isang tulang nagsisimula
sa "Sapagkat ang lahat ng bagay ay likha
sa apoy". Nadarama ko ang paglimot
buhat ng masabi ang mga linyang ito.
Malungkot. Maririnig kong muli sa hangin
kung paano susunugin ang lahat.

--- jc, jaja, ej

Tuesday, 14 April 2009

summer classes

sige lang. sige lang. matatapos din yan.


2 poems by Stephen Dunn:


Aesthete


A fire has started in the kitchen,
and is moving from room to room.
There's just enough time
to save Rembrandt, an original,
or the portrait of your wife.
You save the Rembrandt, of course,
but when you get outside
you think it might be possible
to save the portrait as well.
You dash back in, and rescue
the portrait just before the flames
would have it as their own.
You're half way out the door now,
you're going to be fine
when you realize, oh no, your wife
has been up in the attic sorting through
memorabilia of your lifetime together.
How stupid of me, you say to yourself,
the Rembrandt or my actual wife-
that's what I neeeded to decide between.
How did I get it so wrong?



To a Friend Accused of a Crime
He May Have Committed


We'll never know for sure now,
you in your garage with the motor on
and the tailpipe clogged and the door closed,
three days before the trial. Your wife
found you after she found the note,
and this morning the numinous beauty
of low fog in our fields has taken on
a strange gloom, a lone deer grazing there
with an alertness that you must have had
many days of your life, lest you be caught.

For twenty-five years we knew you
to be a man who could charm a room,
yet stand up at a faculty meeting
and press an argument, not back down.
When we dined with you, you loved
to tell us all the places you'd been.
How stupid of you to allow
your computer to be repaired,
the hard facts on the hard drive-
all those boys, girls, this other life.

What brilliance, though, to have concealed it
for so long. And how nearby desperation
always must have been. I'll remember your face
now as a thing with a veil, what I so admire
in poker players. You were not one of those.
When word first got out, we called you,
said we were there for you. In our minds
your remained a friend. We didn't call again.

When does a friend cease being a friend?
After which betrayal, yours or ours?
Or do we just go on in the muck and the mud
holding ourselves up the best we can?
That's what we're asking ourselves,
the fog lifting a little, the newspaper
with your photo in it open on our table.

Sunday, 5 April 2009

Detour

Mahigit-kumulang dalawang oras na biyahe galing sa eskuwela, isang sakay ng tren, maghahanap ng kakilala o mananahimik sa isang sulok, mga libro ng tulang pampalipas oras, bababa sa Santolan station, fishball, kalamares, kikiam- sige kain lang habang nag-aabang ng dyip sa ilalim ng footbridge, isang sakay ng dyip na patok, 21 pesos na pamasahe, 18 pesos 'pag estudyante, bayad ho, Simbahan, estudyante lang, madalas nakatingin sa malayo, mga ilaw-posteng walang ilaw, pipiliting magmakata, hampas ng hangin sa mukha, pull the string to stop, isang mahaba-habang lakaran hanggang sa terminal ng tricycle, amoy ng french fries ng mcdo, saglit na maaawa sa taong grasa sa tabi, magkukrus pagdaan ng simbahan, sampaguita at iba pang bulaklak, gulay, karne at ang malansang amoy ng isda sa palengke, mahabang pila sa terminal, isang sakay na naka-backride sa tricycle, namamagang buwan at mga napupunding bituin sa kalangitan, titigil sa itim na gate, nananabik na kahol ni bantay, hahanapin sa bag ang susi ng bahay, didiretso sa kuwarto, sa lamesa, magkapatung-patong na libro, may nakaipit pang litrato sa isa, maghuhubad ng amoy-usok na damit, bubuksan ang bintana, hihiga sa kama, ipipikit ang mga...


...



...tatlong taon na rin akong naglalakbay

sa lungsod. tatlong taon ng pagsasanay

umuwi. ngunit, kung kailan alam na

alam ko na ang daan, mahal,

isang araw, bigla mo akong iniligaw.

Thursday, 2 April 2009

i can't help fallin' in love with my new chocolava

chocolava. i'm in lava. -> ang corny ng patalastas na to. haha.

maiba tayo. heto ang isang wasak poetry.



To die in a poem


I didn’t know if it was possible

To live in a poem.


A friend sd he wouldn’t

Mind to live in a poem

I’d written.

Yet there were poems

He just couldn’t live in.


Based on this I didn’t know

If my poems were any good

Or if I were at least a good friend.


But if one could die

In a poem, I’d pick one

With only a few lines—

My life, short as these words,

Would end there just fine.


-mesandel arguelles
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari