Sunday, 27 June 2010

LOVE SONG
















Huwag kang mag-alala,

     May nagmamahal sa 'yo,

             Nandito ako.

Saturday, 19 June 2010


SA TOTOO LANG















Hindi mo sinabi sa akin ang totoo
Na hindi ka marunong magbisikleta

Sinubok ko pang pigilin ang iyong pagsemplang
Ngunit pati ako'y napahandusay sa damuhan

Sa totoo lang, ginusto kong manatili tayo doon
Pagmasdan natin ang langit tayong dalawa lamang

Ngunit mahalagang magamot nila agad ang iyong sugat
Tuloy hindi ko naihayag sa iyo ang totoo
Naiwan akong nakalupasay doon at duguan

Ang puso na matagal nang nagsusumamo
Ikaw ang lunas na aking kailangan.

Tuesday, 15 June 2010

TULA ANG AKING MUNDO













Nais tumakas, ang tula'y aking tinalikuran
Ngunit nakitang muli sa aking harapan.

Saturday, 12 June 2010

BICOL EXPRESS
















Bata pa ako noong huling punta ko doon sa probinsya

Dito na ako lumaki sa lungsod

Ngunit gusto kong doon sa probinsya tumanda't mamatay

Maraming bata ang doon na lumaki sa probinsya

Malaki na sila nang magpunta dito sa lungsod

Ngunit hindi nila ginustong dito tumanda't mamatay

Friday, 11 June 2010

BUWAN SA IBABAW NG TUBIG















Dito patay lahat ng ilog sa Maynila
Kaya tuwing sasapit ang gabi
Kontento na kami sa pagtingala

Thursday, 10 June 2010

MAGKAIBANG IKOT NG MUNDO 














Wala sa lakas o bilis, sabi mo
Ang sekreto sa pagpapaikot ng trumpo
Kundi sa maayos na pagbalanse nito.

Kung nasaan ka man ngayon,
Hindi na nga uso ang trumpo ngunit
Gusto kong matutuhan iyon sa iyo

Dahil unti-unti nang tumitigil
Ang pag-inog ng aking mundo.
welcome back

ang gusto ko lang naman e, sabihin yung sinasabi ng puso ko. kung maipadama ko iyon sa mambabasa, tagumpay ako. ito yung pinakadahilan kung bakit ako nagsusulat. yung totoo lang. yung galing sa puso. walang bahid ng kung anu-anong teoryang ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay. haha, ang gandang halimbawa ng irony yung pagsali ko sa heights ano. pero tuloy lang tayo. mahal ko ang heights. at marami pa akong dapat malaman.

 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari