Thursday, June 10, 2010

MAGKAIBANG IKOT NG MUNDO 














Wala sa lakas o bilis, sabi mo
Ang sekreto sa pagpapaikot ng trumpo
Kundi sa maayos na pagbalanse nito.

Kung nasaan ka man ngayon,
Hindi na nga uso ang trumpo ngunit
Gusto kong matutuhan iyon sa iyo

Dahil unti-unti nang tumitigil
Ang pag-inog ng aking mundo.

4 comments:

Yas Jayson said...

mahusay na liriko.

Monching said...

maligayang pagbabalik. kumusta na kayo ni Pag-Ibig?

EJ said...

@elias: lubusang pagpapasalamat!

@monching: bumibisita dito si pag-ibig.

Anonymous said...

bumibisita rin ako kina pag-ibig, pero lagi siyang wala.

- monch

 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari