Monday, 28 February 2011

freezing time

salamat sa pagitan. marami akong mga alaalang isinulat dito. halos tatlong taon din ng pag-iipon ng mga alaala iyon. hindi ko naman gustong takasan ang mga alaala, babalik-balikan ko pa rin itong blogsite. kailangan ko lang humanap ng panibagong purpose para sa pagsusulat. malungkot ang buhay, malungkot ang blog na ito, kalungkutan ang nagpapadaloy sa pagitan. sa tingin ko, yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagsimulang magsulat. pero ngayon, iniisip ko kung bakit ko pinipilit na manahan sa kalungkutan, kung bakit parang tumatakas ako sa mundo at isinisisi sa lungsod ang lahat ng mga kamaliang ginagawa ko. iniisip ko rin kung hanggang dito na lang ba talaga ang pagsusulat ko -na sa dinami-rami ng bagay na ginusto kong gawin sa buhay, nakahiligan ko nga ang pagsusulat pero baka humantong na ito sa puntong hanggang doon na lang e, wala nang malalabas pa. hindi kaya siguro, gusto ko namang sumubok ng ibang bagay maliban sa pagtula. ganoon naman ako palagi kahit noong bata pa ako, marami akong alam na gawin pero may puntong humihinto ako para humanap ng panibagong larangan na susubuking matutunan. kaya siguro wala talaga akong na-master na kahit anong skill. kaya siguro hanggang dito na lang at hindi ko mama-master ang pagtula. pero sino na nga ba ang naka-master sa pagtula?

tamang sukat na ito ng pagitan, hindi na lalayo o lalapit. freeze.

Monday, 31 January 2011

note to self:

1. wag kang umasa sa iba.
2. wag mong isisi ang kamalian mo sa ibang tao.
3. have self respect.
4. wag kang gumamit ng ibang tao.
5. wag mong pagbuntunan ng galit ang ibang tao.
6. sa huli, sarili mo pa rin ang maaasahan mo.
7. kaya mo naman kung tutuusin, wala ka lang ginagawa.
8. mag-aral ka nang mabuti, mag-isa at wag nang umasa sa iba.
9. tamad ka. alam mo yun. pero bakit wala kang ginagawa para maalis tong ugaling to?
10.  palaging nagbabago ang mundo. panahon na para ikaw naman ang magbago.

Wednesday, 26 January 2011

Perhaps there is another kind of writing, I only know this one: in the night, when fear does not let me sleep.
-Franz Kafka

Saturday, 15 January 2011

A New Law
 

Let there be a ban on every holiday.

        No ringing in the new year.

No fireworks doodling the warm night air.

        No holly on the door. I say

let there be no more.

        For many are not here who were here before.




-Greg Delanty
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari