Tuesday, 18 November 2008

On Uncertainty And The Impression That Men Could Easily Forget

"Know what memories will make your heavy heart heavier. "
-Brandon Dollente, Letter to my Future Self after Having my Memories Erased



Let me begin with something I know.
I know that metamorphosis is a process
of change, for example, a cocoon
will transform into a butterfly,
a beautiful one, perhaps a loved one
who passed away yesterday
in an accident across the ocean.
Will it land upon your lips
to give a last kiss? Maybe. Now let me
tell you everything I remember
about my dream last night: two lovers
were adrift at sea, directionless, motionless, lifeless
regardless of waves hitting them.
They died together yet they remained strangers,
uncertain of their hopes, dreams and sins. Isn't it
a bit funny, that I am dreaming of dreams, sinning
but still hoping? But I am sure
that this is soon to be forgotten.
Uncertainty is part of every lover's dream,
and to forget is nothing but a gift. Memories change
and wither. That is why I'll end with a story
not of a butterfly, not with a lie.
Something that will not change.
Something that I won't remember
unless I read this poem again.
There was once a boy.
His memory was lost. Adrift
at sea, only to be a passing one.

Friday, 14 November 2008

Dahil Mahal Natin Ang Ulan

May panahong ganito:
puno ng kabigatan ang dibdib
ng kalangitan at nagtatago ang araw
sa likod ng mga ulap. Madalas, makikita
akong nangangarap dito sa isang sulok
ng eskinita. Nagpapatila. Nangungulila.
Nag-aabang sa iyo, nagbabakasakali
na pauwi ka na, tulad ko. Alam ko,
wala kang payong. Heto, may dala ako
ngunit mahirap sabihin ang salitang
sabay tayo. Mahirap mangarap
na sabay pa tayong uuwi tulad ng dati.

Gusto kong sumikat muli ang araw.
Gusto kong malusaw at lumipad sa mga ulap
upang sa muling pag-ulan,
muli kitang mayakap.

Thursday, 13 November 2008

Pangungusap

Nalunod tayo
sa salita, hindi makaahon

sa grabedad ng panahon,

at kahit gusto man nating
mangusap, laylay pa rin
ang nababad nating dila.

Sunday, 9 November 2008

Liham sa Kababata

I.
Dumating ang aking pinangangambahan
kasabay ng balita ng pag-alis mo bukas.
Napakalawak ng Maynila,
hindi tulad dito. Malaya
nating napupuntahan ang gubat. Magkahawak-kamay
tayo sa bawat huni ng ibon, sa katahimikan
ng mga puno, humahanga sa mundo ng mga ligaw
na sampagita, gumamela, paruparo, at puso.
Ingat ka. Patawad, sadyang hindi ko alam
ang salitang paalam. Tanggapin mo ito:
liham, litrato, tula, luha.
Hindi ka sana mawala.

II.
Ang ibig kong sabihin,
mag-ingat ka sa pag-alis ko.
Mag-iingat ka sa gubat kung saan tayo
dating naglalaro. Naghahabulan,
nagkukuwentuhan, at kapag napagod,
ating susundan ang mga bato
na inihulog sa daan, palatandaan
upang ligtas kitang maiuwi sa inyo.
Alam kong mahal natin ang gubat, kahit hindi
ko pa noon alam ang ibig sabihin ng mahal kita,
at hindi ko sana ito natuklasan pa. Hindi sana
tayo ngayon magkakalayo.
Itatapon ko sa daan mamaya itong bagahe:
liham, litrato, tula, luha.
Ituro sana sa akin ng mga ito
ang landas pabalik sa iyo.
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari