May panahong ganito:
puno ng kabigatan ang dibdib
ng kalangitan at nagtatago ang araw
sa likod ng mga ulap. Madalas, makikita
akong nangangarap dito sa isang sulok
ng eskinita. Nagpapatila. Nangungulila.
Nag-aabang sa iyo, nagbabakasakali
na pauwi ka na, tulad ko. Alam ko,
wala kang payong. Heto, may dala ako
ngunit mahirap sabihin ang salitang
sabay tayo. Mahirap mangarap
na sabay pa tayong uuwi tulad ng dati.
Gusto kong sumikat muli ang araw.
Gusto kong malusaw at lumipad sa mga ulap
upang sa muling pag-ulan,
muli kitang mayakap.
On Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula
-
Read at the launch of Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula (UMA
Pilipinas, 2022) Also available here:
https://www.bulatlat.com/2022/11/21/tugon-sa-lui...
1 year ago
0 comments:
Post a Comment