Saturday, May 16, 2009

renga. may 15, 2009

heto ang isang renga na in-edit ko galing dito


...

Habang tinitiklop ng kamatayan

ang mga dahon, umuungol ang

tangkay ng usal. Nagdarasal

sa saliw ng hangin. Buhay ang
agos ng tubig sa bukal. Nauuhaw


sa tenga ng dahon ang lupa.

Kung bakit ito tinatabunan

ng sanlaksang pagtiklop


ay walang nakaaalam

liban sa nag-iisang dahon

na tinangay ng hangin at napadpad,
parang tinig ng huling awit --
pinag-iimbay

ang tubig at hangin,

ang lupa at apoy,

sa nanlalamig mong palad.


-jc, brandz, japhet, rachel, ej

Thursday, May 14, 2009

unang ulan ng mayo

experiment ko to sa line cutting.


...


Kung bakit ayaw nating pag-usapan ang pagkahulog

Palalim nang palalim

ang walang hanggan

na
dilim nang bigla kang magising
sa tunog ng nahulog


na porselana. Binabasag

ng iyong paghinga


ang katahimikan sa kalawakan
.
Ang durog na buwan.
Pinulot mo

ang nagsabog na bubog
sa iyong
paanan. Dumaplis

sa iyong isipan: paano pa mabubuo

ang pira-pirasong puso?
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari