Wednesday, June 24, 2009

usapang zombie

der koya bags,

hello poh, am ur fan poh. kaya poh aq sumulat kc nnaginip poh aq kgabi. masama poh ung pnaginip q. dhil poh sa ah1n1, naging zombie lhat ng tao na kakilala q, ung mga frnds, classm8s and txtm8s q poh naging infected poh. tpos aq nlng daw ung hndi nagiging zombie. hinahabol poh nila aq. takbo aq ng takbo.tpos sumisigaw ung 1 zombie, sbi niya wg na aq mag-aral. sabi q noooo hndi pde kc gus2 q makita ung crush q ehh. kaya hinabol nila aq, tpos nacorner nila ako, tapos bigla na aq nagcng poh.

ano poh kayang ibig sbihin ng panaginip q?

am urs poh,
badong




* * *




dear badong,

hindi ko alam. wag ka na sigurong maglaro ng left 4 dead.

sige sasakyan ko na tong trip mo ano. hmmm. malamang naging zombie na rin ung crush mo, kaya tama wag ka nang pumasok. wag ka nang mag-aral. kung zombie na lahat ng tao e di ok, ganito: sunugin mo lahat ng libro, mga computer, cellphone, etc, basta lahat ng bagay na associated sa human civilization tapos bumuo ka ng bagong mundo. wasakin mo lahat ng ideas na gawa-gawa lang ng society. kumuha ka ng semi automatic shotgun. huntingin mo sina gloria, manny villar, manny pacquaio, manny v pangilinan, henry sy, obama, george bush, george of the jungle, roger federer, rafael nadal, maria sharapova, maria ozawa, virgilio almario, ambeth ocampo, boy abunda, kris aquino, michael jackson, michael jordan, michael phelps, chris tiu, marami pa e bahala na u. hahaha.

kailangan mong mabuhay ha. maghanap ka ng ibang survivors. kailangang ikaw yung maging leader nila. hintayin mong magkaanak sila ng lalaki at babae. tapos isang araw, ipalapa mo sa mga zombie yung ibang survivor maliban dun sa baby boy at girl. palakihin mo ung dalawa. bumuo kayo ng bagong mundo. o di ba.

tanong: paano ka makakaligtas sa zombie invasion?


yan. wag mong gamitin sa sarili mo ha. i-spray mo sa mga zombie na hahabol sa iyo para maging chocolate sila.

3 comments:

Anonymous said...

lalim naman ng dahilan kung bakit siya nag-aaral

master ej,
pano pow kung madedz yung baby girl?
oh nooooww!!


wak pow kuya!!

Anonymous said...

uhh, ibang kuwento na yan anonymous. nga pala, kilala kita anonymous dahil anonymous din ako.

Anonymous said...

kilala rin kita!!

kaya kilala kita at kilala mo ako dahil ako si ikaw at ikaw si ako...

iisa tayo!!
anonymous!!

 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari