Monday, April 12, 2010

alam mo yung pakiramdam pag nabasa mo yung mga dati mong tula tapos nabaduyan ka bigla, o kaya nasabi mo shaks bakit ang pangit nito, alam mo yun? ibig sabihin naglevel-up ka. kaso nga lang, kaso, kawawa naman yung mga tao sa dedication. di ba? bakit pa kasi nilalagyan ng 'kay ganito', 'kay ganyan' e. yan tuloy.

6 comments:

Yas Jayson said...

nakaka-relate ako. haha!

Pepito said...

Panahon na, katoto!

rachel said...

haha kaya sa susunod mag-ingat pag magde-dedicate XD

brandz said...

hmm.

una, feeling ko, hindi necessarily ibig-sabihin nu'n nag-level up ka. mas malapit siguro kung sasabihing nagbago ang ilan sa mga pananaw mo.

kapag kasi naglelevel-up ka, hindi ka nababaduyan sa mga ginawa mo dati, kasi kahit kailan mo pa tingnan 'yun, 'yun at 'yun pa rin 'yung ginusto mong sabihin. baka nga lang hindi 'yun 'yung pinakamainam na pagkakasabi.

at huwag ka manghinayang sa mga taong nandun. kung minsan kang natuwa du'n, pakiramdam ko sapat na 'yun. kanila 'yun e. hindi naman sa 'yo. sa kanila dapat manggaling kung baduy 'yun o hindi.

mejo naging affected lang ako. ayos lang 'yan. 'wag ka maging unfair sa sarili mo, lalo na sa mga taong kausap mo.

Monching said...

asahan mo ang isang magandang umaga.

ako said...

ayokong maging unfair. unfair lang talaga ang mundo haha.

salamat

 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari