Wakas
Nagbabago ang mundo. Nararamdaman mo ba
ang pagyanig, ang pagbitak ng lupa,
ang paggalaw ng ating kinalalagyan
papalayo sa isa't isa?
Ikaw ay nasa kabilang dako ng tulay at sinisigaw ko
ang pangalan mo sa gitna ng mga gusaling gumuguho.
At matatabunan ang lahat ng kadiliman.
Magigising ako at makikita ang bagong mundo,
walang alaala ng nakalipas.
Ito ang simula. Ito ang ating wakas.
Dumb
-
Prior, I have been formed in the classical philosophical tradition under
the guidance of the Franciscans and Augustinian Recollects. It was there
that ...
1 month ago


0 comments:
Post a Comment