Monday, 28 February 2011

freezing time

salamat sa pagitan. marami akong mga alaalang isinulat dito. halos tatlong taon din ng pag-iipon ng mga alaala iyon. hindi ko naman gustong takasan ang mga alaala, babalik-balikan ko pa rin itong blogsite. kailangan ko lang humanap ng panibagong purpose para sa pagsusulat. malungkot ang buhay, malungkot ang blog na ito, kalungkutan ang nagpapadaloy sa pagitan. sa tingin ko, yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagsimulang magsulat. pero ngayon, iniisip ko kung bakit ko pinipilit na manahan sa kalungkutan, kung bakit parang tumatakas ako sa mundo at isinisisi sa lungsod ang lahat ng mga kamaliang ginagawa ko. iniisip ko rin kung hanggang dito na lang ba talaga ang pagsusulat ko -na sa dinami-rami ng bagay na ginusto kong gawin sa buhay, nakahiligan ko nga ang pagsusulat pero baka humantong na ito sa puntong hanggang doon na lang e, wala nang malalabas pa. hindi kaya siguro, gusto ko namang sumubok ng ibang bagay maliban sa pagtula. ganoon naman ako palagi kahit noong bata pa ako, marami akong alam na gawin pero may puntong humihinto ako para humanap ng panibagong larangan na susubuking matutunan. kaya siguro wala talaga akong na-master na kahit anong skill. kaya siguro hanggang dito na lang at hindi ko mama-master ang pagtula. pero sino na nga ba ang naka-master sa pagtula?

tamang sukat na ito ng pagitan, hindi na lalayo o lalapit. freeze.
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari