Monday, July 27, 2009

paano ka mauubusan ng salita?

1.
kasi meron akong kuwento. matagal ko na tong gusto ikuwento yun nga lang hindi ko magawa kasi marami akong ginagawa. mahirap na. alam mo yun, mahirap pag tambak ang trabaho, mahirap maging bossing, mahirap maging estudyante at mag-aaral (hindi nga ako makapag-aral nang maayos), mahirap ang ginagabi palagi ng uwi. kalaban ko palagi ang oras. siyempre pati pagod. sanayan lang naman yan. teka, meron akong oras ngayon.

2.
alam mo matagal ko na tong gustong ikuwento. yun nga lang hindi ko magawa kasi hindi ko matapus-tapos yung kuwento ko. nabibitin kasi palagi. alam mo yun. nangyari na rin ba sa 'yo? nakasakay ka sa jeep, sa gabi tapos traffic. wala kang magawa kundi mag-isip ng kung anu-ano. sa dami ng naiisip mo parang gusto mong kausapin yung katabi mo at makipagkuwentuhan. pero hindi mo naman magawa. kaya hahayaan mo na lang. kaso pagdating mo sa bahay, wala na. nabura na. naubusan ka na ng salita.

3.
meron akong gustong ikuwento. kaso may panahon ka ba para makinig?

4.
hindi naman tayo madalas magkita sa campus. siguro ginagabi ka rin ng uwi, siguro madami kang trabaho. o kaya busy ka lang sa pag-aaral. mahirap na rin ngayon. madaming distractions. text. internet. tama naman di ba? alam mo may sinabi yung philo prof ko, darating ang araw na hindi na tayo mag-ooffline. napaisip ako. tama naman di ba? sa panahon ngayon ng hypertext at ng iba pang internet chorva, para bang commodity na lang ang pakikipag-usap. hindi na raw tayo mauubusan ng salita.theoretically speaking yan ha.

5.
kung ganoon ang usapan, ikaw, kailan ka pa naubusan ng salita?

6.
kasi meron akong kuwento. Di ko na ito maalala, kaibigan, ngunit nadarama ko pa rin.

5 comments:

Geneve Guyano said...

alam ko ang ibig mong sabihin. shizz, madramang pakinggan.

kailangan mo ba talaga ng makikinig? :P bakit hindi na lang isulat sa notebook na dala-dala para pag-uwi ng bahay hindi na malimutan?

:P

xxx
xoxo.

brandz said...

ba't di mo kaya gawan ng response poem?

Miles said...

Hitik na damdamin? Tumula ka! (parang commercial lang.) :P

Anonymous said...

miles, ano ung commercial na un? :D
brandz, sige ba :D
geneve, salamat sa pagdaan xxx xoxo :D
-ej

Miles said...

Wala lang. Imbento ko lang,wasak ako eh. hehe.

 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari