Nakakatakot yun
hindi ko na maalala kung tuesday o thursday ba yun, pero ngayong week lang nangyari. kakatapos lang ng philosophy class ko sa bellarmine, papunta ako sa xavier hall. tapos nakita kita, papunta naman sa bellarmine. napatigil ako sandali. ang sweet ninyo, may h.h.w.w. pa kayong nalalaman. pero teka teka, sa isip ko: ano tong nakikita ko, may boyfriend ka na pala? bakit ngayon ko lang nalaman. ang loser ko. tonight i can write the saddest lines. ngayong gabi kaya kong magbitiw ng bitter words. tulang naisulat matapos ayain ang isang kaibigang lumabas at mabigong muli. tulang naisulat matapos itapon ang isa na namang tula ng paglimot. tulang naisulat matapos itapon ang isa na namang tula ng pangungulila. pakiramdam ko kaya kong tumula ng pagkadami-raming tula tungkol sa pangungulila at kamatayan. ito na yun. may quota ang pag-ibig. hindi ako kasama. ganito siguro yung pakiramdam ng mga emo pag sinasabi nila na hindi sila maintindihan ng mundo, na mas masakit yung inner pain na nararamdaman nila kaysa sa physical pain kaya nila gustong maglaslas convention. naisip ko, kinabukasan magsusuot ako ng black shirt at magiging die hard fan ako ng chicosci dahil sila lang ang makakaintindi sa nararanasan kong suffering ngayon. tapos idedelete ko lahat ng text messages mo, dahil i have to move on and start a new life. a new, emo, low habitus life. sana panaginip lang to, pero nakikita ko kayo ng boyfriend mong kalbo. magkakasalubong pa tayo. palapit kayo ng palapit sa akin. 5 seconds, 4, 3, 2... tapos, pagkatapos nun, saka ko lang narealize. hindi ikaw yun. kamukha mo lang pala sa malayo. kasi malabo ang mata ko, parang pag-ibig.
On Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula
-
Read at the launch of Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula (UMA
Pilipinas, 2022) Also available here:
https://www.bulatlat.com/2022/11/21/tugon-sa-lui...
1 year ago
11 comments:
ang galing haha. nadala ako. :D
nakakatakot yun
FFFFFFFFFFFUUUUU
*clap clap*
magaling, magaling, magaling!!!
saan mo naman napulot itong writing exercise na ito?
gawa-gawa ko lang to. haha.
love it :)
hindi ka man lang umabot sa point na naka-eyeliner ka na.
sayang.
allergic sa makeup yung mukha ko e. wattata! :D
ang galing ang galing.
guess who, ej
gusto ko sanang isipin na ikaw yung crush ko, pero mahirap nang umasa. haha
Post a Comment