welcome back
ang gusto ko lang naman e, sabihin yung sinasabi ng puso ko. kung maipadama ko iyon sa mambabasa, tagumpay ako. ito yung pinakadahilan kung bakit ako nagsusulat. yung totoo lang. yung galing sa puso. walang bahid ng kung anu-anong teoryang ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay. haha, ang gandang halimbawa ng irony yung pagsali ko sa heights ano. pero tuloy lang tayo. mahal ko ang heights. at marami pa akong dapat malaman.
1 comments:
mahalaga ang teorya. pero dapat nating maalala na teorya lamang ito. oo, teorya lamang ito. pero teorya pa rin. mga buntong-hininga ng puso. oo, puso. oo, karanasan. oo, kasaysaya't panghinaharap. at ang pinakamahirap na tungkulin ng makata ay ang pagpapadama. dahil maraming pagitan, kung babaling tayo sa pamagat ng blog mo. sana malampasan natin iyon.
maligayang pagbabalik. kumusta na kayo ni Pag-Ibig?
Post a Comment