nitong nakaraang sabado, nagkaroon ng formalist talk sa poetry at fiction ang Heights, kasama ng Haranya mula sa UA&P. At bilang bahagi ng program, naghanda kami ng isang munting writing exercise para sa mga dumalo. kailangang bumuo ng tula mula sa limang salita:
Dati Katha Lubos Bagabag Paglagi
Dehins ko na ginamit yung ibang salita diyan noong nag-revise ako.
Nga pala, napapansin ko kung paano ako tumula, mga simpleng salita lang ang gamit. Ewan, kailangan ko bang palalimin yung vocabulary ko para makatula?
Tulang Nagwawakas Sa Hindi Natapos Dahil Ginabi Na Naman Ako
Noong minsang gabihin ako
at iyong masumbatan sa kuwarto
ako nagkulong at pilit na tumula
tungkol sa patay-
sinding ilaw-
poste sa tapat ng bintana
ngunit aking napag-isip-
isip hindi pala ako makatula
maliban kung sakay ng jeep
sa gabi
palagi akong binabagabag
ng bilis
ng mga pangyayari
ang mga alaala nag-uunahan
naggigitgitan sa aking gunita
nagsasalpukan
ang mga ilaw
ng sasakyan
ang bituin at buwan
sa kalawakan
ng mga salita sa tulang aking kinakatha
habang nakaupo sa isang sulok
nagmamasid sa paligid nagtataka
kung meron ding nagmamakata
na katabi
ngunit gaya ng ilang sasakyang nasiraan
sa daan laging maiiwan
na nakatirik
ang mga linya
sa aking isip tila naghihintay
na maisapapel
pagdating sa bahay ito
ang pasalubong ko sa iyo
isang tula
hindi natapos
dahil ginabi na naman ako.
On Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula
-
Read at the launch of Kerima Lorena Tariman’s Luisita: Mga Tula (UMA
Pilipinas, 2022) Also available here:
https://www.bulatlat.com/2022/11/21/tugon-sa-lui...
1 year ago
3 comments:
Kung hinihingi ng tula ang mas "malalim" na kapit sa vocabulary, sige lang. Ngunit sa kabilang banda, maaaring nababago ka ng mga alam mong salita, sa paraan na maaari mo nang maisip ang mga isinasakonsepto ng mga salitang alam mo. So siguro oks na palalimin ang vocab. Medyo delikado nga lang kasi... Quote na nga lang galing sa Foucault's Pendulum: "You live on the surface," Lia told me years later. "You somehow seem profound, but it's only because you piece a lot of surfaces together to create the impression of depth, solidity. That solidity would collapse if you tried to stand it up."
Sa palagay ko hindi kailangan ng mga super malalim na salita para makagawa ng tulang wasak.
Tama si Pepito. Kung ang himig ng tula ay hinihingi ang mga malalalim na salita, bakit hindi? Pero sa palagay ko tama lang na simpleng mga salita lang ginamit mo, kasi tumugma siya sa atmosphere ng pagco-commute mo sa jeep at sa mga imahen na nakita mo doon.
Yun lang. Nyaaaa~
tama kayo ano, kumbaga parang kalyong kumakapal dapat ang vocabulary. habang dumarami ang naisusulat, mas kumakapal. maghahanap ako ng mas malalalim na salita kung hindi na tungkol sa lungsod ang poetics ko.
Post a Comment