Monday, December 29, 2008

ang sa akin lang

kahit na-nominate ako for Heights EB Race, pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko o hindi 'yong candidacy. nakakahiya naman dun sa nag-nominate sa 'kin kung tatanggi ako basta-basta. a basta,
meron na lang akong hanggang new year para sa confirmation ko.

ang sa akin lang, mas gusto kong ganito yung mangyari:

Heights EB '09-'10

Executive Editor
Marie La Vina

Business Manager
Joseph Casimiro

Secretary-General
Rachel Marra

English Staff
Wyatt Ong

Filipino Staff
Walther Hontiveros

Design Staff
Abstain
^_^

Art Staff
Maurice Wong

Special Projects
Selene Uy

Tuesday, December 23, 2008

Space Shuttle

"we're running in opposite directions, clutching
our chests, trying not to get our hearts pulled out."

-Isabel Yap, Rabbit Stew


They said he was a victim

of an accident. They said he was desperate

to reach the moon and hold it

in his hands. But let me tell you

exactly why he died. It was no ordinary

roller coaster ride. The sign

on the entrance says:

those with weak heart may not enter.

But he wanted to. He insisted

and they let him get through.

Things happened so fast. He tried not to look

at the lovers who held hands

as the roller coaster blasted off.

The wind hit him violently

as things began to zoom

at the back of his mind, like his memories

of you saying
saka na ulit natin subukan
na pumunta sa buwan
. Somehow, he wished
that there wasn't an empty seat

beside him, so he looked away

at that empty space. He tried not to scream

his heavy heart out but it was getting heavier

than before so he had to let go.

When it was all over, they found his body

on the seat, one hand clutched

in his chest; the other held nothing

but an empty, lonely space.

Tuesday, December 9, 2008

Pag-uwi

Gusto kong sabihing nahihirapan akong pumikit.
Isang madaling araw, nagising ako sa pagkalunod
sa aking mga panaginip. Ilang gabi na rin akong binabagabag
ng mga salitang: pagitan, hangganan, at kamatayan.
Ilang gabi na rin kitang iniisip
habang umiihip ang hangin, ibinubulong nito sa akin
ang isang linya ng pangungulila.
Hindi ka sana mawala. Gaano katagal
na ba akong wala? Hindi pa rin ako mapalagay
sa tuwing naglalakbay sa lungsod
at nakakakita ng mga magkasintahan,
magkayakap, magkawahak-kamay.
Ngayon, naiisip kita, kayakap
ang iba at wala akong magawa
kundi alalahanin ang dating pagsasama.
Patawad, sadyang hindi ko alam
ang salitang paalam
.
At hindi ko rin alam
kung bakit mabigat sa dibdib
ang pagdilat, pati ang pagpikit. Madilim.
Ngayon, naiisip kita, heto ako sa isang sulok ng bus,
kapiling ang mga taong hindi ko naman kakilala.
Gumagabi na dito sa lungsod at kailangan ko nang umuwi,
hinihintay na ako ng aking kwarto.
Mamaya, bubuksan ko ang bintana.
Hihiga. Ipipikit ko ang mga pagal na mata.


(sunod sa Liham sa Kababata)

Tuesday, November 18, 2008

On Uncertainty And The Impression That Men Could Easily Forget

"Know what memories will make your heavy heart heavier. "
-Brandon Dollente, Letter to my Future Self after Having my Memories Erased



Let me begin with something I know.
I know that metamorphosis is a process
of change, for example, a cocoon
will transform into a butterfly,
a beautiful one, perhaps a loved one
who passed away yesterday
in an accident across the ocean.
Will it land upon your lips
to give a last kiss? Maybe. Now let me
tell you everything I remember
about my dream last night: two lovers
were adrift at sea, directionless, motionless, lifeless
regardless of waves hitting them.
They died together yet they remained strangers,
uncertain of their hopes, dreams and sins. Isn't it
a bit funny, that I am dreaming of dreams, sinning
but still hoping? But I am sure
that this is soon to be forgotten.
Uncertainty is part of every lover's dream,
and to forget is nothing but a gift. Memories change
and wither. That is why I'll end with a story
not of a butterfly, not with a lie.
Something that will not change.
Something that I won't remember
unless I read this poem again.
There was once a boy.
His memory was lost. Adrift
at sea, only to be a passing one.

Friday, November 14, 2008

Dahil Mahal Natin Ang Ulan

May panahong ganito:
puno ng kabigatan ang dibdib
ng kalangitan at nagtatago ang araw
sa likod ng mga ulap. Madalas, makikita
akong nangangarap dito sa isang sulok
ng eskinita. Nagpapatila. Nangungulila.
Nag-aabang sa iyo, nagbabakasakali
na pauwi ka na, tulad ko. Alam ko,
wala kang payong. Heto, may dala ako
ngunit mahirap sabihin ang salitang
sabay tayo. Mahirap mangarap
na sabay pa tayong uuwi tulad ng dati.

Gusto kong sumikat muli ang araw.
Gusto kong malusaw at lumipad sa mga ulap
upang sa muling pag-ulan,
muli kitang mayakap.

Thursday, November 13, 2008

Pangungusap

Nalunod tayo
sa salita, hindi makaahon

sa grabedad ng panahon,

at kahit gusto man nating
mangusap, laylay pa rin
ang nababad nating dila.

Sunday, November 9, 2008

Liham sa Kababata

I.
Dumating ang aking pinangangambahan
kasabay ng balita ng pag-alis mo bukas.
Napakalawak ng Maynila,
hindi tulad dito. Malaya
nating napupuntahan ang gubat. Magkahawak-kamay
tayo sa bawat huni ng ibon, sa katahimikan
ng mga puno, humahanga sa mundo ng mga ligaw
na sampagita, gumamela, paruparo, at puso.
Ingat ka. Patawad, sadyang hindi ko alam
ang salitang paalam. Tanggapin mo ito:
liham, litrato, tula, luha.
Hindi ka sana mawala.

II.
Ang ibig kong sabihin,
mag-ingat ka sa pag-alis ko.
Mag-iingat ka sa gubat kung saan tayo
dating naglalaro. Naghahabulan,
nagkukuwentuhan, at kapag napagod,
ating susundan ang mga bato
na inihulog sa daan, palatandaan
upang ligtas kitang maiuwi sa inyo.
Alam kong mahal natin ang gubat, kahit hindi
ko pa noon alam ang ibig sabihin ng mahal kita,
at hindi ko sana ito natuklasan pa. Hindi sana
tayo ngayon magkakalayo.
Itatapon ko sa daan mamaya itong bagahe:
liham, litrato, tula, luha.
Ituro sana sa akin ng mga ito
ang landas pabalik sa iyo.
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari