Wednesday, December 30, 2009


new year na naman


*


I love how things attach themselves
to other things--the rocks sitting stubbornly
beneath a river, the beards of moss.


I choose a color and it connotes sadness.
But how long must the symbols remain true? Blue
is blue, not lonely. After a time, one gives up


reading the sky for shadows, even rain.
There is no promise, only a possibility.
A moment moves to another, and still it feels


the same. Like old letters in boxes.
Or how the rain, at times, falls invisibly.
Finally, the things we love demand more love,


as if we have always been capable of it. Yet
I can only offer belief, mirages that mean water,
long travels leading somewhere. I am reading


old letters, trying to make something
of what's been said. It might be raining;
some pages are unreadable.


-Joel Toledo, Attachments


*


salamat 2009.

Monday, December 21, 2009











The Star
Arthur C. Clarke

It is three thousand light-years to the Vatican. Once, I believed that space could have no power over faith, just as I believed that the heavens declared the glory of God’s handiwork. Now I have seen that handiwork, and my faith is sorely troubled. I stare at the crucifix that hangs on the cabin above the Mark VI Computer, and for the first time in my life I wonder if it is no more than an empty symbol.

I have told no one yet, but the truth cannot be concealed. The facts are there for all to read, recorded on the countless miles of magnetic tape and thousands of photographs we are carrying back to Earth. Other scientists can interpret them as easily as I can, and I am not one who would condone that tampering with the truth which often gave my order a bad name in the olden days.




Tuesday, December 15, 2009

I think
I am
in love
therefore
I exist

Thursday, November 26, 2009

humans are temporal. meaning, they have a beginning and an end.

because of this, humans somehow established a sense of past, present, and future.

how do we think of time is different from how we experience it.

we think of time in terms of quantifiable data - seconds, days, years of the past and the future.

we experience time only in the present. it is only in the present that we do "work" and the experience of that "work" is the experience of time itself.

the experience of time is more important than the quantifiable concepts or the physical world's definition of time.

therefore the present will always be more valuable than the past and the future.

in this experience of the present [moment], we establish a certain connection with reality. we establish "presence"

time is, in reality, presence (Gegenwart). more correctly the "life-stream of presence." (lebendig stromende Gegewart)

we may now say that time, upon considering only the present, is an endless "presence".

the endless presence is always a tension between "absence" and "presence"



-HISTORICITY, albert dondeyne

------

1. makikitang dependent sa concept of "time" yung essay. kung nagsimula sa pagiging temporal ng human being ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sense of past,present, future (sense of time na rin), posible ngang gawa-gawa lang ng tao ang idea ng "time". What if there is no such thing called time?

2. pinag-aaralan ko ngayon kung paano gumamit ng strikethrough sa tula. ano konek? may connection sa experience ng reader, sa presence nung salitang may strikethrough at sa pag-alter ng tenses ng mga salita pabalik sa past. well of course, may mga limitations nga lang dahil hindi pupuwedeng basahin pabigkas ang tulang may strikethrough. e ano ngayon?

Monday, November 2, 2009

Bulong

Naaalala mo ba noong araw
na nagpalipad tayo ng saranggola,
magkahawak-kamay? Sumabit ito bigla
sa kawad ng kuryente at ilaw
poste at sa wakas

natutuhan ko

kung ano ang pagbitaw.

Tuesday, September 29, 2009

1.

Dear City,
Conchitina Cruz

Permit us to refresh your memory: what comes from heaven is always a blessing, the enemy is not the rain. Rain is the subject of prayer, the kind gesture of saints. Dear City, explain your irreverence: in you, rain is a visitor with nowhere to go. Where is the ground that knows only the love of water? Where are the passageways to your heart? Pity the water that stays and rises on the streets, pity the water that floods into houses, so dark and filthy and heavy with rats and dead leaves and plastic. How ashamed water is to be what you have made it. What have you done to its beauty, its graceful body in pictures of oceans, its clear face in a glass? We walk home in the flood and cannot see our feet. We forget to thank the gods for their kindness. We look for someone to blame and turn to you, wretched city, because we are men and women of honor, we feed our children three meals a day, we never miss an election. The only culprit is you, dear city. This is the end of our discussion. There is no other culprit.



2.

Rain

Jack Gilbert


Suddenly this defeat.
This rain.
The blues gone gray
And the browns gone gray
And yellow
A terrible amber.
In the cold streets
Your warm body.
In whatever room
Your warm body.
Among all the people
Your absence
The people who are always
Not you.

Tuesday, September 22, 2009

9th Ateneo National Writers Workshop

The 9th Ateneo National Writers Workshop wil be held on Oct 19-22 at the Sacred Heart Novitiate in Novaliches, Quezon City.

Eight young writers from a total field of 79 applicants have been awarded fellowships which include board and lodging, a modest stipend, and the opportunity to learn from an esteemed panel of Atenean writers and critics. The fellows are:

For poetry in English: Gian-Paolo Simeon T. Lao (Ateneo de Manila University) and Patricia Angela F. Magno (Ateneo de Manila University); for poetry in Filipino: Marco Antonio R. Rodas (Enverga University) and Patrick Noah R. Bautista (University of the Philippines, Diliman); for fiction in English: Jenette Ethel N. Viscocho (University of the Philippines, Diliman) and Anne Carly Abad (Ateneo de Manila University); and for fiction in Filipino: Mark Benedict F. Lim (Ateneo de Manila University) and Joselito D. Delos Reyes (Philippine Normal University/ De La Salle University).

The workshop is organized by the Ateneo Institute of Literary Arts and Practices, headed officer-in-charge Asst. Professor Alvin B. Yapan, assisted by workshop director Asst. Instructor Yolando B. Jamendang of the Ateneo's Kagawaran ng Filipino.


*galing sa facebook page ni kael*

congrats kanila gian, petra, maki at anne :)

Monday, September 14, 2009

heights 1st regular issue book launch

Friday, September 18, 4:30-6:30, MVP Basement.

kitakits po tayo!



Friday, August 7, 2009

Handog ng HEIGHTS para sa Buwan ng Wika










































































































































































KITAKITS SA LAHAT!!!

Saturday, August 1, 2009

(k)(u)(m)(i)(s)(l)(a)(p); lumelevelup

writing exercise 07/31/09

pumili ng salita at bumuo ng isang tula gamit lamang ang mga letra ng salitang iyong napili. ex yung beautiful inlaw ni adam david. "kumislap" ang napili kong salita.



UMALIS KAMI SA ALAPAAP

kipkip ka sa alaala
umalis kami

sa alapaap kipkip ka sa alaala

umalis kami

sa alapaap kipkip ka
sa alaala umalis ka-
mi sa alapaap kipkip ka

(sa) alaala umalis ka-

mi sa alapaap
kipkip ka sa alaala


*
revised 08-04-09

Monday, July 27, 2009

paano ka mauubusan ng salita?

1.
kasi meron akong kuwento. matagal ko na tong gusto ikuwento yun nga lang hindi ko magawa kasi marami akong ginagawa. mahirap na. alam mo yun, mahirap pag tambak ang trabaho, mahirap maging bossing, mahirap maging estudyante at mag-aaral (hindi nga ako makapag-aral nang maayos), mahirap ang ginagabi palagi ng uwi. kalaban ko palagi ang oras. siyempre pati pagod. sanayan lang naman yan. teka, meron akong oras ngayon.

2.
alam mo matagal ko na tong gustong ikuwento. yun nga lang hindi ko magawa kasi hindi ko matapus-tapos yung kuwento ko. nabibitin kasi palagi. alam mo yun. nangyari na rin ba sa 'yo? nakasakay ka sa jeep, sa gabi tapos traffic. wala kang magawa kundi mag-isip ng kung anu-ano. sa dami ng naiisip mo parang gusto mong kausapin yung katabi mo at makipagkuwentuhan. pero hindi mo naman magawa. kaya hahayaan mo na lang. kaso pagdating mo sa bahay, wala na. nabura na. naubusan ka na ng salita.

3.
meron akong gustong ikuwento. kaso may panahon ka ba para makinig?

4.
hindi naman tayo madalas magkita sa campus. siguro ginagabi ka rin ng uwi, siguro madami kang trabaho. o kaya busy ka lang sa pag-aaral. mahirap na rin ngayon. madaming distractions. text. internet. tama naman di ba? alam mo may sinabi yung philo prof ko, darating ang araw na hindi na tayo mag-ooffline. napaisip ako. tama naman di ba? sa panahon ngayon ng hypertext at ng iba pang internet chorva, para bang commodity na lang ang pakikipag-usap. hindi na raw tayo mauubusan ng salita.theoretically speaking yan ha.

5.
kung ganoon ang usapan, ikaw, kailan ka pa naubusan ng salita?

6.
kasi meron akong kuwento. Di ko na ito maalala, kaibigan, ngunit nadarama ko pa rin.

Monday, July 20, 2009

five words

nitong nakaraang sabado, nagkaroon ng formalist talk sa poetry at fiction ang Heights, kasama ng Haranya mula sa UA&P. At bilang bahagi ng program, naghanda kami ng isang munting writing exercise para sa mga dumalo. kailangang bumuo ng tula mula sa limang salita:

Dati Katha Lubos Bagabag Paglagi

Dehins ko na ginamit yung ibang salita diyan noong nag-revise ako.

Nga pala, napapansin ko kung paano ako tumula, mga simpleng salita lang ang gamit. Ewan, kailangan ko bang palalimin yung vocabulary ko para makatula?


Tulang Nagwawakas Sa Hindi Natapos Dahil Ginabi Na Naman Ako


Noong minsang gabihin ako
at iyong masumbatan sa kuwarto
ako nagkulong at pilit na tumula
tungkol sa patay-
sinding ilaw-
poste sa tapat ng bintana

ngunit aking napag-isip-
isip hindi pala ako makatula

maliban kung sakay ng jeep
sa gabi
palagi akong binabagabag
ng bilis
ng mga pangyayari

ang mga alaala nag-uunahan
naggigitgitan sa aking gunita
nagsasalpukan
ang mga ilaw
ng sasakyan
ang bituin at buwan
sa kalawakan
ng mga salita sa tulang aking kinakatha
habang nakaupo sa isang sulok
nagmamasid sa paligid nagtataka
kung meron ding nagmamakata
na katabi

ngunit gaya ng ilang sasakyang nasiraan
sa daan laging maiiwan
na nakatirik
ang mga linya
sa aking isip tila naghihintay
na maisapapel
pagdating sa bahay ito

ang pasalubong ko sa iyo
isang tula
hindi natapos
dahil ginabi na naman ako.

Friday, July 17, 2009

laging umuulan sa maulang kapuluan

binasa ko ulit yung libro na hiniram ko kay mike, bago ko isauli sa kanya bukas. naisip ko lang i-post dito yung isa sa mga nagustuhan ko. wasak yung koleksiyon na to. mula sa Magdaragat ng Pag-ibig at Iba Pang Tula ng Pagnanasa - Reuel Molina Aguila



Ikaw Na Ba 'Yan?


Maulan ang mga buwang ito.
Nagnanaknak ang mga lubak
Na kalyeng binaha;
Buhol na trapiko
At mga di makauwing pasahero.
Nag-iisa sa dami ng tao,
Nanginginig sa lamig at dilim,
Naunang nakasakay sa panimdim
Ang aking gunita
Pauwi sa tahanan ng mga alaala.

Walang ulan noon at nakapayong ka
Sa init ng araw ako'y nasilaw
Sa pag-iisa mo.
Ay, kay laon ko nang hinintay
Ang araw na ito
Gaya sa paulit-ulit na panaginip:
Isang dilag na marilag
Ngunit walang mukha
May hawak na payong
Gayong hindi umuulan.
Nagkamukha ang panaginip.
Ikaw na ba 'yan?
Ang gusto kong idulog sa iyo.
Ngunit pinaghiwalay tayo
Ng dagsa ng tao at sasakyan.

Makailang ulit man akong magbalik
Sa lugar na ito, sa parehong oras
Wala, wala ang dilag
Wala ang payong
Wala ang mukha ng panaginip.
Ngunit lagi akong naririto
Sa init ng parehong lugar at oras
At ngayo'y nangangaligkig.
Nais kong mahiga sa malamig
Na bangketa ng pagnanasa;
Matulog at managinip.
Upang kahit doo'y makitang muli
Ang dilag na nakapayong
Kahit walang mukha.

At idudulog ko:
Ikaw na ba 'yan?
At isasagot mo:
Ako na nga ito.

Thursday, July 2, 2009

overlooking

Sumulong Highway, Antipolo:
susunod kong proyekto.







galing dito ang larawan.

Wednesday, June 24, 2009

usapang zombie

der koya bags,

hello poh, am ur fan poh. kaya poh aq sumulat kc nnaginip poh aq kgabi. masama poh ung pnaginip q. dhil poh sa ah1n1, naging zombie lhat ng tao na kakilala q, ung mga frnds, classm8s and txtm8s q poh naging infected poh. tpos aq nlng daw ung hndi nagiging zombie. hinahabol poh nila aq. takbo aq ng takbo.tpos sumisigaw ung 1 zombie, sbi niya wg na aq mag-aral. sabi q noooo hndi pde kc gus2 q makita ung crush q ehh. kaya hinabol nila aq, tpos nacorner nila ako, tapos bigla na aq nagcng poh.

ano poh kayang ibig sbihin ng panaginip q?

am urs poh,
badong




* * *




dear badong,

hindi ko alam. wag ka na sigurong maglaro ng left 4 dead.

sige sasakyan ko na tong trip mo ano. hmmm. malamang naging zombie na rin ung crush mo, kaya tama wag ka nang pumasok. wag ka nang mag-aral. kung zombie na lahat ng tao e di ok, ganito: sunugin mo lahat ng libro, mga computer, cellphone, etc, basta lahat ng bagay na associated sa human civilization tapos bumuo ka ng bagong mundo. wasakin mo lahat ng ideas na gawa-gawa lang ng society. kumuha ka ng semi automatic shotgun. huntingin mo sina gloria, manny villar, manny pacquaio, manny v pangilinan, henry sy, obama, george bush, george of the jungle, roger federer, rafael nadal, maria sharapova, maria ozawa, virgilio almario, ambeth ocampo, boy abunda, kris aquino, michael jackson, michael jordan, michael phelps, chris tiu, marami pa e bahala na u. hahaha.

kailangan mong mabuhay ha. maghanap ka ng ibang survivors. kailangang ikaw yung maging leader nila. hintayin mong magkaanak sila ng lalaki at babae. tapos isang araw, ipalapa mo sa mga zombie yung ibang survivor maliban dun sa baby boy at girl. palakihin mo ung dalawa. bumuo kayo ng bagong mundo. o di ba.

tanong: paano ka makakaligtas sa zombie invasion?


yan. wag mong gamitin sa sarili mo ha. i-spray mo sa mga zombie na hahabol sa iyo para maging chocolate sila.

Monday, June 15, 2009

mixed media

sa wakas. nakasulat na ako. ano ang mangyayari kapag idol mo
sina sir egay, kael, ayer at brandz?

mixed media. hahaha. parang artwork lang.




Heto Ang Isang Tulang Nagwawakas sa Langit



Gaano kalayo

Ang langit


Sa lupa? Naaalala

Mo ba? Noong mga bata tayo

Pilit kong tinanong sa iyo.

Ewan. Paliparin mo na lang

Itong saranggola
.
Alam mo,
Ginusto kong baybayin

Sa aking isip

Ang haba ng pisi

Na hawak ko ngunit napakalawak

Pala ng langit naisip ko:

Kapag namatay ako, doon
Ako pupunta.
Napatingala ka

At nakita mong nakasabit

Ang iyong saranggola

Doon sa kawad ng kuryente at ilaw

Poste. Binato mo ako noon

Ng sisi. Magmula noon

Ay hindi na tayo muling nag-usap

Tungkol sa langit, lupa, at mga ulap.


Huwag nating pag-usapan ang kamatayan.

Paborito kong linya ng isang tula.

Sabihin ko kaya ito sa 'yo mamaya?

Sanay na akong magsalita

Sa isip habang nakasakay

Sa bus. Patawad

Kung wala akong dalang bulaklak,

Wala naman talaga akong balak

Umuwi sa San Roque kung hindi ko pa

Nalaman ang balita.


Gaano kalayo

Ang langit


Sa lupa? Marahil tinatanong din

Ito ngayon ng iyong ina

Sa harap ng iyong labi.

Habang umiiyak siya

Ay may biglang dumapo sa aking labi

Na isang paruparo.

Mamaya, susundan ko ito.

Kahit na alam ko,

Hindi naman nito mararating

Ang langit.

Tuesday, June 2, 2009

babay summer

sabi na nga ba e. matatapos din.


...



Psychoanalysis: An Elegy
Jack Spicer



What are you thinking about?

I am thinking of an early summer.
I am thinking of wet hills in the rain
Pouring water. Shedding it
Down empty acres of oak and manzanita
Down to the old green brush tangled in the sun,
Greasewood, sage, and spring mustard.
Or the hot wind coming down from Santa Ana
Driving the hills crazy,
A fast wind with a bit of dust in it
Bruising everything and making the seed sweet.
Or down in the city where the peach trees
Are awkward as young horses,
And there are kites caught on the wires
Up above the street lamps,
And the storm drains are all choked with dead branches.

What are you thinking?

I think that I would like to write a poem that is slow as a summer
As slow getting started
As 4th of July somewhere around the middle of the second stanza
After a lot of unusual rain
California seems long in the summer.
I would like to write a poem as long as California
And as slow as a summer.
Do you get me, Doctor? It would have to be as slow
As the very tip of summer.
As slow as the summer seems
On a hot day drinking beer outside Riverside
Or standing in the middle of a white-hot road
Between Bakersfield and Hell
Waiting for Santa Claus.

What are you thinking now?

I’m thinking that she is very much like California.
When she is still her dress is like a roadmap. Highways
Traveling up and down her skin
Long empty highways
With the moon chasing jackrabbits across them
On hot summer nights.
I am thinking that her body could be California
And I a rich Eastern tourist
Lost somewhere between Hell and Texas
Looking at a map of a long, wet, dancing California
That I have never seen.
Send me some penny picture-postcards, lady,
Send them.
One of each breast photographed looking
Like curious national monuments,
One of your body sweeping like a three-lane highway
Twenty-seven miles from a night’s lodging
In the world’s oldest hotel.

What are you thinking?

I am thinking of how many times this poem
Will be repeated. How many summers
Will torture California
Until the damned maps burn
Until the mad cartographer
Falls to the ground and possesses
The sweet thick earth from which he has been hiding.

What are you thinking now?

I am thinking that a poem could go on forever.

Saturday, May 16, 2009

renga. may 15, 2009

heto ang isang renga na in-edit ko galing dito


...

Habang tinitiklop ng kamatayan

ang mga dahon, umuungol ang

tangkay ng usal. Nagdarasal

sa saliw ng hangin. Buhay ang
agos ng tubig sa bukal. Nauuhaw


sa tenga ng dahon ang lupa.

Kung bakit ito tinatabunan

ng sanlaksang pagtiklop


ay walang nakaaalam

liban sa nag-iisang dahon

na tinangay ng hangin at napadpad,
parang tinig ng huling awit --
pinag-iimbay

ang tubig at hangin,

ang lupa at apoy,

sa nanlalamig mong palad.


-jc, brandz, japhet, rachel, ej

Thursday, May 14, 2009

unang ulan ng mayo

experiment ko to sa line cutting.


...


Kung bakit ayaw nating pag-usapan ang pagkahulog

Palalim nang palalim

ang walang hanggan

na
dilim nang bigla kang magising
sa tunog ng nahulog


na porselana. Binabasag

ng iyong paghinga


ang katahimikan sa kalawakan
.
Ang durog na buwan.
Pinulot mo

ang nagsabog na bubog
sa iyong
paanan. Dumaplis

sa iyong isipan: paano pa mabubuo

ang pira-pirasong puso?

Thursday, April 23, 2009

Dahil Isa Akong Tiyanak

1.
Nasa sinapupunan pa lang ako ni Mama e, magulo na raw sa Pilipinas. Panahon daw ‘yon ng patayan at dilim. Madilim kasi patay lahat ng ilaw, brownout dito, brownout doon, palagi na lang daw may brownout, dagdagan pa ng mga protesta, karahasan at rebelyon. Dalawang buwan bago ako ipinanganak, sa Pasay pa kami nakatira, lumindol nang malakas sa Luzon. Marami raw ang namatay lalong lalo na sa Baguio. Malakas daw talaga ‘yong lindol sabi ni Papa, kaya dinaan niya na lang daw sa biro si Mama para ‘wag matakot, sabay hawak sa tiyan niya at alog dito at biglang sabi ng “nalilindol ka baby?” 5x. Hindi ko na talaga maalala kung naramdaman ko rin ba ‘yong malakas na lindol noon, o kung si Papa lang ba ‘yon habang inaalog niya ‘yong tiyan ni Mama, pero natitiyak kong may brownout talaga noon sa sinapupunan ni Mama.

2.
Setyembre 9, 1990 - Una kong nasilayan ang mundo. Hindi ko na maalala kung maliwanag ba noon o hindi, basta malaki raw ang pasasalamat nila Mama at Papa dahil wala raw brownout sa ospital. Kasalukuyang bumabawi naman ang Pilipinas noon mula sa lindol na naganap noong nakalipas na dalawang buwan. Kung marunong na akong magbasa ng diyaryo sa mga panahong iyon, ito ang headline na mababasa ko: Bush and Gorbachev Open Talks today; Iraqi Invasion tops Agenda. Hindi lang pala sa Pilipinas magulo noon dahil sa Gulf War. Si Cory naman, tiniyak na ligtas ang mga Pinoy sa Jordan, Kuwait, at Iraq, at sinabing maayos din ang lahat kagaya ng kanyang pangakong maayos din lahat ng mga problema sa brownout at mga rebelyon.

3.
Setyembre 10, 1990 – Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan ko, o kung ano ‘yong mga tunog na nariring ko sa paligid ko, o kung sino sa mga mukhang nakikita ko si Papa at si Mama. Hindi ko pa rin alam na ni-raid ang AFP Armory ng mga rebelde ni Honasan nang mismong araw na ‘yon at nakikigulo sa bansa ang Communist Party of the Philippines, at medyo marami na palang sakit sa ulo itong si Cory noon, na sana natapos na lang at hindi na nadagdagan pa ng iba pang mga rebelde, ‘yan tuloy sumakit din ang mga ulo ng mga sumunod sa kanyang presidente. At nasa kolehiyo na ako ngayon nang malaman kong kahit noong panahon niya, laganap na pala ang katiwalian at pandaraya, ang polusyon, at kahirapan, kaya ngayon napapaisip na lang ako kung tama bang kasalanan lamang ni Gloria ang lahat-lahat, kaya ngayon napapaisip ako kung sino ba ang dapat kong iboto sa 2010.

4.
Disyembre 20, 1990 – Bininyagan ako sa simbahan. Hindi ko pa noon alam na ‘pag binigyan mo ng pangalan ang isang bagay o tao o santo, binibigyang kahulugan mo rin siya. Sinabi ng pari: Emmanuel John –galing sa Bibliya ‘yong Emmanuel at John. Hindi ko nga alam kung ano ba ang talagang pumasok sa utak ng mga magulang ko at ito ang naging pangalan ko. Ayaw ko na rin silang tanungin, kaya gagawa na lang ako ng dahilan mula sa sariling pananaw ko. At ito ang naisip ko: Dahil nga ang taong 1990 ay panahon ng kadiliman at karahasan, malamang na maghahanap ang tao ng pag-asa at liwanag, oo, medyo baduy pakinggan pero ganyan naman talaga ang tao hindi ba, na sa panahon ng kagipitan saka lang makaaalala sa Diyos at saka lang mananampalataya. Sa tingin ko, ayaw ng mga magulang kong isiping malas ako at isa akong tiyanak, at magdadala ako ng sakuna sa aming pamilya dahil nga samu’t samot na kaguluhan ang sumulpot nang ipagbuntis ako ni Mama. Kaya naman walang magawa noon sila Mama at Papa kundi maniwala na lang na magiging mapayapa ang lahat kapag pinangalanan ako ng isang pangalang galing sa Bibliya, na walang darating na anumang trahedya, na magiging maayos ang buhay namin, na ngayon ay kailangang paniwalaan ko na lang din.

Friday, April 17, 2009

Renga. April 17, 2009

Sapagkat ang lahat ng bagay ay likha sa apoy
na inakala ko noong napupuksa
ng hangin ngunit hindi
nauupos ang apoy sapagkat
ang lahat ay nilikha para rito. Marahil
malilimutan ko ang bawat pagkakataong
ibubulong ng hangin sa akin ang mga linya
ng isang tulang nagsisimula
sa "Sapagkat ang lahat ng bagay ay likha
sa apoy". Nadarama ko ang paglimot
buhat ng masabi ang mga linyang ito.
Malungkot. Maririnig kong muli sa hangin
kung paano susunugin ang lahat.

--- jc, jaja, ej

Tuesday, April 14, 2009

summer classes

sige lang. sige lang. matatapos din yan.


2 poems by Stephen Dunn:


Aesthete


A fire has started in the kitchen,
and is moving from room to room.
There's just enough time
to save Rembrandt, an original,
or the portrait of your wife.
You save the Rembrandt, of course,
but when you get outside
you think it might be possible
to save the portrait as well.
You dash back in, and rescue
the portrait just before the flames
would have it as their own.
You're half way out the door now,
you're going to be fine
when you realize, oh no, your wife
has been up in the attic sorting through
memorabilia of your lifetime together.
How stupid of me, you say to yourself,
the Rembrandt or my actual wife-
that's what I neeeded to decide between.
How did I get it so wrong?



To a Friend Accused of a Crime
He May Have Committed


We'll never know for sure now,
you in your garage with the motor on
and the tailpipe clogged and the door closed,
three days before the trial. Your wife
found you after she found the note,
and this morning the numinous beauty
of low fog in our fields has taken on
a strange gloom, a lone deer grazing there
with an alertness that you must have had
many days of your life, lest you be caught.

For twenty-five years we knew you
to be a man who could charm a room,
yet stand up at a faculty meeting
and press an argument, not back down.
When we dined with you, you loved
to tell us all the places you'd been.
How stupid of you to allow
your computer to be repaired,
the hard facts on the hard drive-
all those boys, girls, this other life.

What brilliance, though, to have concealed it
for so long. And how nearby desperation
always must have been. I'll remember your face
now as a thing with a veil, what I so admire
in poker players. You were not one of those.
When word first got out, we called you,
said we were there for you. In our minds
your remained a friend. We didn't call again.

When does a friend cease being a friend?
After which betrayal, yours or ours?
Or do we just go on in the muck and the mud
holding ourselves up the best we can?
That's what we're asking ourselves,
the fog lifting a little, the newspaper
with your photo in it open on our table.

Sunday, April 5, 2009

Detour

Mahigit-kumulang dalawang oras na biyahe galing sa eskuwela, isang sakay ng tren, maghahanap ng kakilala o mananahimik sa isang sulok, mga libro ng tulang pampalipas oras, bababa sa Santolan station, fishball, kalamares, kikiam- sige kain lang habang nag-aabang ng dyip sa ilalim ng footbridge, isang sakay ng dyip na patok, 21 pesos na pamasahe, 18 pesos 'pag estudyante, bayad ho, Simbahan, estudyante lang, madalas nakatingin sa malayo, mga ilaw-posteng walang ilaw, pipiliting magmakata, hampas ng hangin sa mukha, pull the string to stop, isang mahaba-habang lakaran hanggang sa terminal ng tricycle, amoy ng french fries ng mcdo, saglit na maaawa sa taong grasa sa tabi, magkukrus pagdaan ng simbahan, sampaguita at iba pang bulaklak, gulay, karne at ang malansang amoy ng isda sa palengke, mahabang pila sa terminal, isang sakay na naka-backride sa tricycle, namamagang buwan at mga napupunding bituin sa kalangitan, titigil sa itim na gate, nananabik na kahol ni bantay, hahanapin sa bag ang susi ng bahay, didiretso sa kuwarto, sa lamesa, magkapatung-patong na libro, may nakaipit pang litrato sa isa, maghuhubad ng amoy-usok na damit, bubuksan ang bintana, hihiga sa kama, ipipikit ang mga...


...



...tatlong taon na rin akong naglalakbay

sa lungsod. tatlong taon ng pagsasanay

umuwi. ngunit, kung kailan alam na

alam ko na ang daan, mahal,

isang araw, bigla mo akong iniligaw.

Thursday, April 2, 2009

i can't help fallin' in love with my new chocolava

chocolava. i'm in lava. -> ang corny ng patalastas na to. haha.

maiba tayo. heto ang isang wasak poetry.



To die in a poem


I didn’t know if it was possible

To live in a poem.


A friend sd he wouldn’t

Mind to live in a poem

I’d written.

Yet there were poems

He just couldn’t live in.


Based on this I didn’t know

If my poems were any good

Or if I were at least a good friend.


But if one could die

In a poem, I’d pick one

With only a few lines—

My life, short as these words,

Would end there just fine.


-mesandel arguelles

Tuesday, March 24, 2009

fumifilednapalako

kaya natin to.

Friday, February 13, 2009

isa na namang pagsakay sa tren

Lakarin mula Santolan hanggang Cubao? Tinawanan mo ako, sabay turo
sa itaas ng mga poste ng ilaw, sa sementado't bakal na daang humahati sa
mausok na kalangitan,
kaya nga merong tren. Ngunit alam mo, gusto ko lang
patagalin ang oras, kasingtagal ng panahong hindi tayo nagkita, higit na mas
matagal sa katahimikang babalot sa ating dalawa sa loob ng tren bago ko pa
sabihin ang salitang kumusta. Sa totoo lang, hindi sapat ang sampung
minuto sa dami ng nais kong sabihin at itanong sa iyo, kung may nagpatibok
na ba ulit ng iyong puso, kung hindi ka pa ba nagsasawa sa paglalakbay sa
lungsod, o kung hindi ka pa ba iniligaw nito. Sa totoo lang, bago pa matapos
ang tulang iniisip ko ay magbubukas na ang pinto ng tren, magpapaalam ka ng

hanggang dito na lang ako
, mabilis na makikisiksik sa mga nagmamadaling
tao. Maiiwan akong nakatingin sa bintana, darating ang kasalubong na tren
at unti-unti ka nitong buburahin.

Sunday, February 8, 2009

naligaw ako minsan sa lungsod at narinig ang usapan ng taumbayan

isang daang metro lamang ang pagitan
ng bangin at kamatayan
ang
nasa isip niya ay tumalon
ang kanyang ina ama kapatid nobya
hindi
na niya muling ma






*******
teka, astig 'tong video kasi makikita mo

Thursday, February 5, 2009

sa kaibigang matagal ko nang hindi nakikita

Kung sawa ka nang maligaw sa lungsod, tumingala ka. Nangangalahating buwan,
patay-sinding ilaw-poste, umaandap-andap na neon, bituing bumubutas sa madilim
na kalangitan. Baka ituro ka nila doon,

papunta sa silid ng binata, na sa pangambang malimutan ang panaginip,
isinulat sa isang kuwaderno ang lahat ng maalala. Isang kuwento ang kanyang binubuo,
tungkol sa isang tinig na naglalaho. Ngunit hindi niya ito matapos-tapos.

Tumingala ka, ang sabi sa isang billboard ng pananampalataya. Sa bituin nakaukit ang
mga naglalahong panaginip. Pagmasdan mo kung paano ito lumilipad patungo
sa kalawakan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit madalas tingalain ng mga sawimpalad
ang mga tala?
Ang lahat ay nawawala sa lungsod. Wala kang dapat sisihin

kundi ang bituin. Alam mo, hindi na matatapos ang kuwento ng binata.
Kung sawa ka nang maligaw sa lungsod, tumingala ka. Dahan-
dahang ipikit ang mga mata at iyong makikita.

Monday, January 26, 2009

alam mo, may stalker ako

1.
late na ako sa klase kanina kaya nagmamadali ako. tapos habang
naglalakad
ako nang mabilis sa soccer field walkway, nakarinig ako
ng boses, tinawag ako.
EJ! paglingon ko, may babae pare.
kaso di ko makita yung mukha,
nearsighted ako at wala akong
salamin na suot e. so, di ko siya pinansin.
late na kasi ako e.

2.

nagtext sa akin 'yong kapitbahay ko, sabi niya natatakot siya.

kasi may isang tricycle driver daw na hiningi sa auto-loading station
'yong cel no. niya. tapos tinetext daw siya. ang gusto nung tricycle driver,
ihatid-sundo siya palagi, parang private service raw.

3.

natatakot tuloy ako. buti kung hot 'yong babae kanina, 'yong stalker ko, e
paano kung
pangit siya? ok sana kung pagbukas ko ng multiply,
o friendster ko,
e ang makita ko sa who's viewed me e si alodia
gosiengfiao, o kaya si ashley
gosiengfiao, si tricia gosingtian,
o 'yong hot na courtside reporter ng la salle,
pwedeeeee!
e pero, paano kung si majin buu ang makita ko???

nabobobo na ako sa kakaisip.


4.

mamaya pagdating ko sa bahay, magbubukas ako ng imeem account.

magsa-soundtrip ako. "i'll send an S.O.S. to the world 2x
i hope that someone gets my 2x message in a bottle yeah."

Thursday, January 22, 2009

usapang origami

kung kaya ko lang bumuo ng pag-ibig
mula sa papel



laughtrip.

Monday, January 12, 2009

matapos mapanood ang "the curious case of benjamin button"

-suspension of disbelief.




Permanence


I can't remember how old I was,

but I used to stand in front

of the bathroom mirror, trying to imagine

what it would be like to be dead.

I thought I'd have some sense of it

if I looked far enough into my own eyes,

as if my gaze, meeting itself, would make

an absence, and exclude me.


It was an experiment, like the time

Michael Smith and I set a fire in his basement

to prove something about chemistry.

It was an idea: who I would

or wouldn't be at the end of everything,

what kind of permanence I could imagine.


In seventh grade, Michael and I

were just horsing around

when I pushed him up against that window

and we both fell through—

astonished, then afraid. Years later


his father's heart attack

could have hit at any time,

but the day it did they'd quarreled,

and before Michael walked out

to keep his fury alive, or feel sorry for himself,

he turned and yelled, I wish you were dead!


We weren't in touch. They'd moved away.

And I've forgotten who told me

the story, how ironic it was meant

to sound, or how terrible.


We could have burned down the house.

We could have been killed going through

that window. But each of us

deserves, in a reasonable life,

at least a dozen times when death

doesn't take us. At the last minute


the driver of the car coming toward us

fights off sleep and stays in his lane.

He makes it home, we make it home.

Most days are like this. You yell

at your father and later you say

you didn't mean it. And he says, I know.


You look into your own eyes in a mirror

and that's all you can see.

Until you notice the window

behind you, sunlight on the leaves

of the oak, and then the sky,

and then the clouds passing through it.


Lawrence Raab

Saturday, January 10, 2009

totoo ba?

The Secret Of Poetry

When I was lonely, I thought of death.
When I thought of death I was lonely.

I suppose this error will continue.
I shall enter each gray morning

Delighted by frost, which is death,
& the trees that stand alone in mist.

When I met my wife I was lonely.
Our child in her body is lonely.

I suppose this error will go on & on.
Morning I kiss my wife's cold lips,

Nights her body, dripping with mist.
This is the error that fascinates.

I suppose you are secretly lonely,
Thinking of death, thinking of love.

I'd like, please, to leave on your sill.
Just one cold flower, whose beauty

Would leave you inconsolable all day.
The secret of poetry is cruelty.

Jon Anderson
 

Copyright 2007 ID Media Inc, All Right Reserved. Crafted by Nurudin Jauhari